Masaya nung nagsimula walang away, walang selosan, walang duda, kasama na ang buong tiwala at nagsasabing "pangako di kita iiwan".. pero bakit nga ba humahantong sa hiwalayan? nagtatapos ang relasyon sa isang bangayan, hindi pagpapansinan, sobrang selos, hindi pagkakaunawaan. kpag ikw ung iniwan ng taong mahal mo at mahal mo pa sya sobra kang nasasaktan at naiisip mo ung mga masasayang ala-ala nyo. pero bakit nga ba bigla nlang nawawala ang sinabi nyang di ka nya iiwan? naglaho nalang ng parang bula.. hindi lahat ng lalake taksil, hindi rin lahat ng babae tapat. dalawang bagay lang ang pedeng mangyari kapag naghiwalay kayo.. swerte mo kung balikan ka. malas mo kung kalimutan ka. mhal mo sya diba kaya ayaw mo sa salitang hiwalayan, pero kapag di kana nya mahal ang salitang hiwalayan para sa kanya "HI-WALA-YAN".. balewala kana sakanya..
mahirap para sa babae yung part na binigay nya lahat lahat mapatunayan nya lang na mahal ka nya. tapos iiwan na lang na parang batang kuting sa kalye kpag di muna sya gusto. isipin nating mga lalake yung nararamdaman ng mga girl, my ina kpatid at ate tayo kung sakanila ngyari todo galit ka pero isa ka sa mga lalake na mang-iiwan lang pagkatapos makuha ung gusto mo. wag natin gawin basihan ang "SEX" para lang mapatunayan nila na mahal nila tayo. ibibigay nila ng kusa yun kpag ramdam nila na karapatdapat ka para sa kanya. sa paghihiwalay walang tama, walang my kasalanan panahon at tadhana ang kusa bumibitiw. pareho lang kayong biktima ng sitwasyon. pero walang panahon at tadhana ang kusang pipili para sayo kundi dapat kang humanap ng karapatdapat para sayo. parang algebra yan.. try mo lahat ng error hanggang sa makuha mu ung perfect relationship para sayo. wag mong isipin na wala kana buhay pagkatapos ka nyang iwan. dahil andyan ang magigiting na kaibigan para ihanap ka ulit ng iba.
mas masarap magkaroon ng kaibigang maasahan, kesa sa relasyong hindi mo mapagkakatiwalaan.
pero relasyon na laging nanjan para sayo, kesa sa kaibigang nanjan lang kapag my kailangan..
0 comments:
Post a Comment